Welcome to my blog, hope you enjoy reading
RSS

Pages

Wednesday, August 17, 2011

"Lableter Alay Kay Naruto*"





June 14, 2010




Nung una kitang makilala...
Nginitian mo ako na halos sumingkit ang mata mo.
Nagmukha kang japanese na anime,
Kamukha mo noon si Naruto.
Super friendly at warm ang approach mo.
Bilang isang baguhan para pasukin ang magulong daigdig nyo,
naging teacher kita...
tanungan kung ano ang gagawin.
Ipinakilala mo sakin ang papel at pluma,
at kung paano sila unang gagamitin.
Tinuruan mo akong tuklasin ang mga bagay-bagay,
kung paano tamang tingnan ang bawat aspeto ng buhay.
paano ngingitian ang mga pagsubok.
Tinuruan mo ako kung...
paano yayakapin ang mga responsibilidad
at kung paano halikan ang mga pagkakamali,
Tinuruan mo ako, paunti-unti...
kung...
paano hubaran ang katotohanan...
at damitan ang bawat pagkukulang,
paano magtahi ng katwiran
at magtuwid ng baluktot,
Tinuruan mo akong magliyab sa inis,
at kung paano bumilis ang pagtibok ng puso sa pangamba.
Tinuruan mo akong pagpawisan,
pagkatapos ng
atras- abante,
atras.
abante.
atras.
abante.
atras.
abante
na argumento,
at pag-aaklas.

Paulit-ulit,
Hindi lang isang beses nangyari,
Kundi marami.
Tinuruan mo akong tuklasin
ang sarili kong kapusukan sa mga salita...
Hanggang sa napagod na ako...

Tinigilan na natin ang nakakaadik nating gawain.
Tinigilan na nating magpalitan ng mga tamis at anghang ng dila.

Hanggang sa...
pinalasap mo sa akin ang panibagong karanasan...

Tinuruan mo akong tuklasin ang aking katawan at kaluluwa,
Pinilit mo akong sumayaw sa saliw ng makabagong tugtugin.
at doon inilabas ko ang angkin kong galing.

Sa kailalim-ilaliman ng aking buto't kalamnan,
tumatagos ang bawat letrang nanggaling sa payak na kanta.
Hanggang sa ang mabagal ay naging mabilis.
Ang mabilis ay naging mabagal.
Pabilis ng pabilis.
Walang hinto.
Hindi na natigil ang nakabibinging tugtugin...

Hinayaan mo akong gumiling,
at sabayan ang ritmo ng mga tawa nyo.
Sigaw.
Hiyaw.
Palakpak.
Nakakabingi pero nakaka-thrill.
Nakaka-wild.
Nakaka-laglag paldang experience.


Biglang natigil ang lahat.
Biglang nawala ang tugtog.
Humina ang sigaw.
Humina ang hiyaw.
Wala na akong marinig na boses.

Payapa.

Katahimikan.

Napapikit ako.
Bumuntong-hininga.
Malalim.


Pagdilat ko ng aking mga mata...


Nasilayan kita,
hawak-hawak ang dyaryong sinulat ko...


Nakahandusay ka.
Duguan.


Paalam, Naruto.



2 comments:

Anonymous said...

galing talaga....

Pluma said...

Dinala ako ng akdang ito sa daluyong at liyab ng pagsusulat.. MULI at paulit ulit na isinisigaw ng puso mo sa mukha ko tol: Rina! magsulat ka! magsulat!.. muli..