Welcome to my blog, hope you enjoy reading
RSS

Pages

Sunday, March 17, 2013

"Temple Run life"




Ang buhay ay parang kagaya ng isang "endless running" game na Temple run.
Sa pagsimula ng takbo mo dahan-dahan muna. Minsan kelangan mong lumiko, tumalon, umiwas sa dapat iwasan para hindi ka mabangga o mauntog at di ka masaktan.


Andami mong objectives sa buhay at kapag nakamit mo yun, magkakabonus
ka. Habang palayo ng palayo ang pagtakbo mo, maglelevel up ka.Syempre gusto mong tumakbo ng malayo para makakuha ka ng mga "coins", "diamonds" at "gems". Habang palayo ka ng palayo ,parami ng parami ang obstacles mo sa buhay.


Andun yung madadapa ka. Yung tipong hihilahin ka pabalik ng mga "monkeys" kasi malayo na ang narating mo. Andun yung bigla na lang mahuhulog ka sa bangin kasi  hindi mo kabisado ang daan. Andun yung bigla ka na lang mauuntog sa puno dahil sa katangahan. Alam mo na ngang may puno eh hindi ka na lumiko. Syempre kasi masaya magtanga-tangahan minsan. Andun yung dahil sa "wrong turn" mo na stuck up ka bigla. Minsan sa pagsakay mo ng tren, naligaw ka. Ang way na napili mo ay "dead end" pala. Tipong kelangan mong kumapit ng mahigpit sa lubid para lang hindi mahulog para makarating sa kabilang daigdig. Andun yung kelangan mong tumalon ng mataas habang tumatakbo ng mabilis para lang makatakas.



Habang tumatakbo ka ang totoo nyan hindi mo naman talaga alam kung saan ka pupunta. At habang papalayo ka, hindi naman milyon na pera ang habol mo kundi yung "saya" na sa kabila ng lahat ng mga hadlang, sobrang lupit na obstacles ng buhay ay nakayanan mo at nalampasan mo lahat yun. Higit sa lahat, nalampasan mo rin ang mga taong nanghihila sa'yo pabalik para hindi ka makaalis sa kinalalagyan mo ngayon. Ang saya nun di ba yung tipong malapit ka na sana maabot pero binilisan mo ang pagtakbo kaya naiwan sila.



Higit sa lahat, sa kabila ng ilang beses mong pagdapa, paghulog at pag-untog...
natututo kang bumangon ulit...at tumakbo ng tumakbo...kahit alam mong wala yun katapusan.



Ganun ang buhay 'di ba?

Parang isang game na "Temple Run."


Ako nga pala si Scarlett Fox.
Ang cunning escape artist character. :)