Welcome to my blog, hope you enjoy reading
RSS

Pages

Tuesday, January 11, 2011

LQ

Blangko.





Yan ang kasalukuyang nasa aking isipan...

Sinusubukan kong magsulat, 'yung tipong cool...'yung mapapatawa kita, yung tipong hindi korni. Hindi badudels.

Kaso natatahimik ako kapag naaalala kita, Miss Masungit. Baka kasi tarayan mo lang ako o isnabin ulit. Kaya 'wag na lang.

Nakakatakot kang lapitan. Hindi naman dahil sa nakakatakot ang mukha mo kaso lang, I find you so intimidating eh. Baka kasi pumalpak ang mga jokes ko sayo at di ka matawa. At sisinghalan mo lang ako ng "Ewwwwnesss.Korniks! Badudels..."

Ewan ko ba pero lahat ng banat ko wa epek sayo eh. Akala mo kasi mula sa umpisa, playboy ako at lahat ng babae ay paglalaruan ko lang. Dyan ka nagkakamali. Kasi simula nang makilala kita, biglang nagbago ang ikot ng mundo. Biglang nagbago ang takbo ng utak at buong buhay ko. Pero nasan ka? Wala ka pa rin. Andun ka sa malayo. Ni hindi mo nga ako pinapansin.

Ilang beses ko ng binalak kausapin ka, pero patuloy mo akong iniiwasan. Hindi ko alam ang dahilan ng pagbabalewala mo. Hindi naman ako maghuhula para hulaan ang nararamdaman mo. Sa loob-loob ko: "Syet...ang labo mo..."

Kinalimutan kita kasi hindi mo naman nakikita ang halaga ko. O sabihin na rin nating wala akong halaga sa'yo. Kaya dun na lang ako sa ibang babae, yung hindi kasing-arte mo, hindi kasing manhid mo at hindi kasing-taas ng pangarap mo. Dun ako sa kanila, yung tipong nakukuha ko ang kiliti, nakakatawa sa mga jokes ko at nakakasakay sa mga banat ko. Siguro, mas magiging masaya pa ako na kasama ko sila kesa magtiyaga at magtiis sa'yo ng wala naman akong napapala.

Yun ang akala ko. Pero taena. Biglang naging bilog ang dati kong flat na mundo. Bigla na lang, kinausap mo ako at muli nabuhay ang interes ko sa'yo. Nakalimutan kong ubod ka ng suplada at ubod ng sungit. Napatawa mo ako sa mga banat mo. 'Di ko tuloy napigilan ang sarili kong banatan ka ng isang malupit na banat: 


"Virus ka ba?"
"Ha? Bakit?"
"Kasi pinasok mo ang puso ko...pati memory ng utak ko ikaw ang laman."


Napatawa ka. Naghihintay na ako sa panglalait mo. Wala na naman akong sense kausap. Korni na naman ang banat ko. Maya-maya, narinig kong nagsalita ka.


"Kung sakali bang virus ako, gugustuhin mo bang mareformat ang puso mo?"

Ang tamis ng ngiti mo. Syet. Sumablay ang banat ko. 'Di ko alam ano isasagot ko. Damn. Basag na naman ako.


"Basag."
"Sino? Ikaw?"
"Hindi. Yung puso ko, basag. Kapag nangyari 'yun." 
Korni ko talaga. Sa loob-loob ko.

Sinulyapan kita at nakita ko abot-tenga ang ngiti mo. Aalaskahin mo na naman ako. Sablay na naman. 


"Halika nga dito...Alam mo bang ikaw ang MCdo ko..."


Asar-talo talaga oh. Kamukha na ba ako ni McDonalds? Labo talaga ng babaeng to.


"Bakit naman?"
"Hindi mo alam?
"Hindi eh..."
"Ay, ang SLLLLLLOoooooowwwwwwwwww mo..." 


Sinabayan pa niya ng tawa. Napaisip tuloy ako. Ano ba meron sa Mcdo? Fries, Spaghetti, Mc Burger, Mcfloat, Chicken....Mcd0...Mc..do..Isip...Isip...Mc...Mc...do...Mcdo-.Love ko to! Holy shit naman bobo ko talaga! ang hina talaga ng utak ko pumik-ap. Yun un eh. Ako ang Mcdo nya!

Hindi ako makapaniwala. Ginugudtaym lang ata ako ng babaeng to eh. O kaya lakas trip.Pinapatulan lang trip ko. Ganun lang. Pero gusto kong maniwala. Pero paano nangyari 'yun?


"D nga? Totoo...?"
"Kung ayaw mong maniwala, ikaw ang bahala..."


Tinitigan kita. 

"Gel, tubig ka ba?"
"At bakit naman? Kasi hindi ka naliligo? Kailangan mo ng maligo?"
"Hindi. Kasi kahit ikaw lang ang kasama ko sa isang linggo, mabubuhay na ako..."




Napangiti ka. At hinihintay ko ang sagot mo...


"Korniks!"


:)



_abangan_

"Our heart is like an unfinished puzzle, that is why we search for the perfect one to complete it."